Ang writ of habeas data ay paraan para maprotektahan ang inyong personal na impormasyon kapag ito ay ginagamit nang hindi tama. Pero ano nga ba ito? At paano ito makakatulong sa inyo? Ang Writ of Habeas Data ay parang legal na proteksyon para sa ating personal na impormasyon. Halimbawa, kung may kumukuha, nagkakalat, o ginagamit ang impormasyon mo—katulad ng pangalan, litrato, o detalye ng buhay mo—nang walang pahintulot mo, puwede kang humingi ng tulong sa korte gamit ang Writ of Habeas Data. Lahat tayo puwedeng gumamit ng Writ of Habeas Data. Pero madalas, ginagamit ito ng mga taong naabuso o biktima ng maling paggamit ng impormasyon. Halimbawa: Kapag may nagpo-post ng personal mong litrato o detalye online para siraan ka. O kaya naman, kung may nagbabantay o nagmamanman sa’yo nang wala kang alam. Pwede mong gamitin ang Writ of Habeas Data para malaman kung sino ang gumagawa nito at para mapatigil sila. Ganito ang proseso para ma-avail ang proteksyon na ito: 1. Hain ng Petisyon. Pumu...